Make your own free website on Tripod.com

 

PRE-KOLONYAL NA PANITIKAN

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kasaysayan ng Ugat ng Panulaang Tagalog ] Bugtong ] Tanaga ] Salawikain ] Ang Epiko Bilang Diskurso ng Kabayanihan ] Ang Kwentong Bayan Bilang Diskurso ng Katusuhan ]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang mayamang panitikan ng ating mga ninuno ay ating nakilala at naunawaan sa tulong ng mga Pilipinong arkeologo, etnologo at antropologo.  Higit itong napahalagahan sa katutubong konteksto kung kaya't maaaring ituring na mas mahusay kaysa sa mga naitala ng mga kronistang Intsik, Kastila, Araboat iba pang dayuhang istoryador ukol dito. Bago pa man makarating ang mga unang mananakop sa bansa, ang mga katutubo ay nagkapalad nang makabuo ng sariling kultura at panitikan. Kanilang naitanghal ang natatanging yaman na ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga katutubong diskurso, awit, naratibo gayundin ng mga katutubong ritwal at sayaw na nagsilbing mga tagapagpatunay ng ating kaugnayan sa mga kanugnog na isla sa timog silangang Asya dahil na rin sa pagkakahawig ng mga kultura noon.