Make your own free website on Tripod.com

Aral

 

Bakasyon walang kahulugan

Nasisira ang pag-aaral,

At ang panahon nasasayang,

Lumipad, lumipas na lamang.

 

Ako ang tangi kong hangad

Kayo sana ay tumulad

Sa ‘sang maliit na uod,

Nagkulong sa loob

Ng putik na bilog.

 

Noong bago pa s’ya pumasok

Sa putik na parang binilot,

Pakpak at paa nakasuot

Balahibo ay parang bugso.

 

Ngunit ngayong nakalipas na

Kahirapan ng dinanas n’ya

Lumipad at aking nakita,

Paru-paro nang maligaya.